Seguridad sa Paaralan, sagot ng Barangay Based Group at PNP
Patuloy ang isinasagawang pagbibigay ng seguridad ng Barangay Based Group katuwang ang PNP sa mga paaralan sa siyudad ng Tuguegarao nitong Biyernes, ika-1 ng Agosto 2025.
Nagbigay ng Assistance ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa mga estudyante at gurong pumapasok sa eskwela, at sa pagsasaayos ng traffic sa mga kalsada.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang alyansa ng Advocacy Support Groups, PNP, at ng komunidad at ipakita ang magandang naidudulot nito sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamayanan.
Source: Tuguegarao City PNP