R-PSB Kasalang Bayan, simbolo ng pagkakaisa ng Barangay, Simbahan, at Pulisya para sa Pamilyang Matatag
Isang makasaysayang seremonya ng pag-iisang dibdib ang matagumpay na isinagawa sa Mary the Queen Chapel, Brgy. Lanit, Jaro, Iloilo City nito lamang ika-2 ng Agosto 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ICPO R-PSB Team sa pamumuno ni PLT John Erwin Canja, Assistant Team Leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Joebert S. Amado, Team Leader.
Ang aktibidad na pinamagatang “Lovers in Lanit: R-PSB Kasalang Bayan” ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Officials sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Remedios S. Bedia, mga stakeholder ng komunidad, at ng simbahan sa pangunguna ni Rev. Fr. Ferdinand Jauod, OSJ, Parish Priest ng Spousal of Mary and Joseph Parish.
Sampung (10) magkasintahan ang pinagsama sa sagradong sakramento ng kasal sa ilalim ng Simbahang Katolika , ang kauna-unahang kasalan na ginanap sa parehong chapel at barangay.

Isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay halaga sa institusyon ng pamilya at sa pagpapalaganap ng pananampalataya, disiplina, at pagmamahalan sa komunidad.
Sa kanilang mensahe, pinuri nina PLTCOL Marlon N. Valencia, Chief, CCADU, ICPO, PCPT Maven Laraño, OIC, ICPS3, at PLT John Erwin Canja ang ipinakitang pagtutulungan ng simbahan, barangay, at PNP sa pagtataguyod ng serbisyong makatao at makabayan.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, pinatotohanan ng R-PSB ang kanilang paninindigan sa holistic community development at ang tunay na malasakit sa mga nangangailangan.
Ang “Kasalang Bayan” ay patunay ng di-matatawarang lakas ng pagkakaisa para sa mas matatag, mas mapayapa, at mas maunlad na pamayanan.
Source: PCADG Western Visayas