Lambunao MPS at Brgy. Officials,  nanguna sa paghahatid ng kaalaman at kasanayan sa mga Barangay Tanod

0
13

 Tulong-tulong na pinangunahan ng nga tauhan ng Lambunao Municipal Police Station katuwang ang mga Barangay Officials ang isang makabuluhang Tanod Refresher Training para sa mga Barangay Tanod ng Barangay Simsiman, Lambunao, Iloilo nito lamang ika-2 ng Agosto 2025.

Ang naturang training ay pinangunahan ni PEMS Noniet S Lasona, MESPO, na dinaluhan ng mga mga Tanod at Brgy. Officials mula sa nasabing barangay, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Rodd Josef Saladar.

‎Sa pakikipagtulungan ng Barangay Council at ng Philippine National Police, matagumpay na naidaos ang pagsasanay na layong palakasin at paigtingin ang kakayahan ng Barangay Force Multipliers sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin.

‎Tinalakay sa naturang pagsasanay ang iba’t ibang aspeto ng community policing, tamang pagresponde sa mga insidente, basic self-defense, at ang tamang koordinasyon sa mga kapulisan.

‎Bukod pa rito, binigyang-diin din ang kahalagahan ng respeto sa karapatang pantao at ang responsibilidad ng bawat tanod bilang tagapangalaga ng katahimikan sa kanilang lugar.

‎ ‎Ang Tanod Academy ay isa sa mga hakbangin ng Philippine National Police upang mapanatili ang matibay na ugnayan ng pulisya at komunidad, at upang mas mapaigting ang kampanya laban sa kriminalidad sa antas-barangay.

‎Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas magiging handa, disiplinado, at epektibo ang mga tanod sa pagtugon sa mga hamon ng kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *