BPATs Training, matagumpay na naisagawa sa Tumauini, Isabela

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training sa Barangay Paragu, Tumauini, Isabela nito lamang ika-1 ng Agosto taong kasalukuyan.
Pinangunahan ito ng Local Government Unit sa pamumuno ni Hon. Mayor Venus T. Bautista, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng MDRRMO, Bureau of Fire Protection (BFP) – Tumauini, at Tumauini Municipal Police Station.
Aktibong dinaluhan ng mga barangay opisyal ang nasabing aktibidad na layuning paigtingin ang kahandaan at kaalaman ng mga frontliners sa kani-kanilang mga komunidad.

Sinimulan ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman ng MDRRMO at 811 Rescue Team tungkol sa tamang pagresponde sa iba’t ibang uri ng insidente at sakuna. Nagbigay din ang mga ito ng mga demonstrasyon kung paano maayos at ligtas na tumugon sa mga emerhensiya.
Tinalakay ni PMSg Emmalyn R. Muñoz, WCPD PNCO, ang nilalaman ng RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) at RA 8353 (Anti-Rape Law). Sinundan ito ng lecture ni PCAPT Pedro Allam, Deputy Chief of Police, tungkol sa Warrantless Arrest at ang aktwal na demonstrasyon ng tamang arresting techniques.
Ang ganitong inisyatiba ay patunay ng dedikasyon ng LGU, MDRRMO, BFP, at PNP sa pagtitiyak ng seguridad at kahandaan ng bawat barangay sa panahon ng pangangailangan.
Source: PNP Isabela