Livelihood Activity, isinagawa sa Indang, Cavite

Matagumpay na naisagawa ang isang Livelihood Activity sa Brgy. Poblacion 2, Indang, Cavite nito lamang ika-1 ng Agosto, 2025.
Aktibong nakilahok sa naturang aktibidad ang Kapulisan ng Indang Municipal Police Station, Army reservists, kababaihan mula sa Women Sector, at mga opisyal ng barangay, na sama-samang nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang layunin ng programa — ang pagtulong sa mga mamamayan na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan.
Ang livelihood activity ay bahagi ng programang pangkomunidad ng PNP na layuning mapaigting ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan, habang itinataguyod ang kaunlaran at pagkakabuhayan ng bawat pamilya sa komunidad. Ipinamalas din sa aktibidad ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan bilang suporta sa adhikain ng pamahalaan tungo sa progresibong pamayanan.
Ang ganitong mga programa ay patunay ng malasakit ng kapulisan, mga reservists, at lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kabuhayan at kalidad ng buhay ng bawat mamamayan.