Talakayan para sa Kapayapaan, isinagawa sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas City
Matagumpay na naisagawa ang isang Barangay Peace and Order Forum sa Barangay San Miguel, Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas noong ika-6 ng Agosto 2025, na may temang “Ugnayang Tomasino, Talakayan para sa Katahimikan ng Barangay.”
Aktibong lumahok sa naturang aktibidad ang mga opisyal at kawani ng barangay sa pangunguna ni Hon. Renz Jerome Manzanilla, Punong Barangay ng San Miguel, katuwang ang mga kinatawan ng Sto. Tomas Component City Police Station sa pangunguna ni PLtCol Marlon C. Cabataña, Officer-in-Charge.
Sa nasabing forum, tinalakay ang mga isyu at estratehiya ukol sa community mobilization, public safety, at pagpapaigting ng kooperasyon ng mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa barangay. Ibinahagi rin ng mga kalahok ang kanilang mga obserbasyon, pangangailangan, at suhestiyon para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa kapayapaan.
Bilang karagdagang hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng barangay at mga katuwang sa seguridad, ipinakilala rin ang mga itinalagang “Pulis sa Barangay” na inaasahang makatutulong sa mas mabilis na pagtugon sa mga isyu ng komunidad, pagpapatrolya, at pagresolba ng mga alitan.
Ang isinagawang dayalogo ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaang lokal upang paigtingin ang partisipasyon ng bawat isa sa pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan, at kaunlaran sa kanilang lugar.
Source: Sto. Tomas CCPS