Livelihood Training Program, isinagawa sa Kaybagal Central, Tagaytay City

0
viber_image_2025-08-07_12-18-08-346

Masiglang isinagawa ang isang Livelihood Training Program nitong Miyerkules, ika-6 ng Agosto 2025, sa Barangay Kaybagal Central, Tagaytay City, Cavite.

Ang programa ay pinangunahan ng mga opisyal ng Barangay Kaybagal Central at mga miyembro ng KKKT (Kalipunan ng Kababaihan at Kabataan ng Tagaytay), katuwang ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jefferson P. Ison, ACOP ng Tagaytay CCPS.

Lubos ang pasasalamat ng mga lumahok sa mga bagong natutunan mula sa training at sa pagkakataong maihanda ang kanilang sarili sa pagnenegosyo. Bukod sa dagdag kita, layunin din ng programang ito na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan at ng kapulisan sa pagtataguyod ng isang ligtas, produktibo, at maunlad na pamayanan.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga residente, lalo na ang mga kababaihan at kabataan, upang magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa paggawa ng produktong maaaring mapagkakitaan. Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng kapulisan na tumulong hindi lamang sa seguridad, kundi maging sa aspeto ng kabuhayan at pag-unlad ng komunidad.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *