Weekly Clean-Up Drive, isinagawa sa San Fernando, Bukidnon
Matagumpay na isinagawa ang Weekly Clean-Up Drive sa Cabuling, San Fernando, Bukidnon nito lamang ika-5 ng Agosto, 2025.
Kasama sa nasabing aktibidad ang mga barangay officials, mga volunteer, at mga residente ng naturang barangay.
Nakalikom ng anim na sako ng iba’t ibang basura na may layunin na mapalawak ang kamalayan sa kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.

