BADAC Meeting, isinagawa sa Oslob, Cebu

0
viber_image_2025-08-09_14-22-49-400

Nagsagawa ng pagpupulong ang mga tauhan ng Oslob Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMAJ JUDE CEBRERO, Chief of Police, kasama ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa Barangay Pungtod, Oslob, noong ika-7 ng Agosto 2025.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) at mga opisyal ng barangay. Pinag-usapan dito ang iba’t ibang isyu at alalahanin ng komunidad, gayundin ang mga hakbang upang maiwasan at mapigilan ang anumang iligal na aktibidad sa lugar.

Bukod sa pagtukoy ng mga suliranin, tinalakay din ang mga konkretong plano at estratehiya upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Barangay Pungtod ng nasabing bayan.

Ang kooperasyon at pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng mga residente, opisyal, at kapulisan ay binigyang-diin bilang susi sa matagumpay na pagpapatupad ng batas.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga at krimen, kasabay ng pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng BADAC meeting, mas napapalapit ang kapulisan sa mamamayan, at mas napapalakas ang pagkakaisa tungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *