BPATs Angadanan, sumailalim sa Summit at Skills Enhancement Training

0
viber_image_2025-08-09_17-14-54-622

Upang mapalawak ang kaalaman ng Barangay Peace Keeping Action Team, sumailalim ang BPATs Angadanan sa isang Skills Enhancement and Training na ginanap sa ISU Gymnasium, Centro 3, Angadanan nito lamang Agosto 8–9, 2025,

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMaj Francisco D Liwag, COP sa pakikipagtulungan ng Liga ng mga Barangay at Department of the Interior and Local Government (DILG) Municipal Peace and Order Council (MPOC), na pinamumunuan ni Hon. Joelle Mathea S. Panganiban, Municipal Mayor.

Saklaw ng aktibidad ang tatlong kategorya: Phase 1 (2024) ang Oryentasyon Koordinasyon, at Pagpili ng mga miyembro ng BPATS sa lahat ng barangay; Phase 2 ay palalimin ang pag-unawa ng BPATs sa kanilang mga tungkulin, pahusayin ang mga kasanayan sa pamumuno, at palakasin ang kanilang tungkulin bilang aktibong katuwang sa kaligtasan ng komunidad; at ang Phase 3 ay ukol implementasyon sa hinaharap.

Ang inisyatibong ito ay upang patatagin ang Programang Pulis sa Barangay, na nagpapatibay ng mas malakas na koordinasyon sa pagitan ng pulisya, mga pinuno ng barangay, at mga miyembro ng komunidad.

Source: Angadanan Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *