Outreach Program, isinagawa para sa mga mag-aaral ng Punta National High School
Isang Outreach Program ang matagumpay na naisagawa sa pagtutulungan ng Cavite Police Community Affairs and Development Section (PCAS) at NARIAG Force Multipliers Advocacy Support Group nito lamang ika-8 ng Agosto 2025 sa Punta National High School, Tanza Cavite.
Isinagawa ang Feeding Program at Libreng Gupit para sa kabuuang 280 mag-aaral na may layuning magbigay ng serbisyong makatutulong sa kalusugan, kalinisan, at kapakanan ng mga kabataan, gayundin ang mapatatag ang ugnayan ng pulisya at ng pamayanan.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan at mga residente sa nasabing inisyatibo na nagdulot ng kasiyahan at benepisyo sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, patuloy na pinatutunayan ng ating kapulisan at NARIAG Force Multipliers ang kanilang malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan.