Seminar workshop, dinaluhan ng mga BPAT members sa Tabaco City
sang seminar-workshop ang dinaluhan ng mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) nito lamang umaga ng Agosto 8, 2025, sa Barangay San Juan, Tabaco City.
Ito ay bilang bahagi ng pagpapatibay ng kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at iligal na droga, at para mapahusay ang kasanayan ng mga tagapangalaga ng kaayusan sa barangay.
Pinangunahan ang aktibidad ng Tabaco City Police Station sa pamumuno ni PEMS Raul Buella, katuwang si Pastor Ronald Buenconsejo, Faith-Based/Community Adviser, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL EDMUNDO A CERILLO JR., Hepe ng Tabaco CPS.
Dumalo rito ang mga opisyal ng barangay na pinamumunuan ni Punong Barangay Christopher Rey D. Ceruelos, kasama ang mga kasapi Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), at iba pang miyembro ng konseho.
Tinalakay sa workshop ang mga paksang kinabibilangan ng Anti-Criminality Awareness, Drug Awareness, Barangay Justice System, tungkulin ng BPAT bilang unang rumesponde sa mga insidente, karapatan ng kababaihan, tamang proseso ng pag-aresto, KaSimBayanan, at iba pang kaalamang mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Kasabay nito, ipinaalala rin ang 911 mantra ni CPNP, PGEN NICOLAS D TORRE III bilang bahagi ng pambansang kampanya para sa mabilis na pagresponde sa loob ng 5- minutong tugon sa mga emergency.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas pinatatag ng Tabaco CPS ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan, mga lider ng barangay, at mga residente upang sama-samang labanan ang kriminalidad at iligal na droga tungo sa mas ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.
Source: Tabaco City Police Station and Albay Police Provincial Office