PACE Quezon Chapter, nagsagawa ng Fun Run para sa Persons Deprived of Liberty

0
viber_image_2025-08-10_17-51-19-382

Isinagawa ng Philippine Association of Court Employees (PACE) – Quezon Chapter ang kauna-unahang “Fun Run” na may temang “Run for Persons Deprived of Liberty” sa Lucena City, Quezon Province nito lamang Sabado, ika-9 ng Agosto 2025.

Layon ng aktibidad na ito na magbigay suporta sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na kasalukuyang nasa iba’t ibang correctional facilities sa nasasakupan ng RTC Lucena City, Quezon Province.

Bilang bahagi ng kanilang patuloy na pakikiisa sa mga makabuluhang adbokasiya ng komunidad, aktibong lumahok sa nasabing fun run ang mga tauhan ng Dolores Municipal Police Station sa pangunguna ni PCpt Harold C. Panganiban, Officer-in-Charge. Ipinamalas ng kanilang presensya ang matibay na suporta ng Philippine National Police sa mga inisyatibong nakatuon sa rehabilitasyon ng mga PDLs.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders at tagapagtaguyod ng reporma sa sistemang pangkatarungan, na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at malasakit para sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan.

Layunin ng aktibidad na magtaguyod ng kamalayan, malasakit, at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa kapakanan ng mga PDLs, at upang higit pang mapaigting ang ugnayan ng mga ahensyang pangkatarungan sa komunidad. Isa rin itong hakbang upang mapalaganap ang mga programang tumutulong sa pagbabalik-loob ng mga PDLs sa lipunan bilang produktibong mamamayan.

Source: Dolores Qppo Pcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *