KKDAT at ibang advocacy group, nakiisa sa Serbisyo Caravan ng LGU Baggao
Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa ginanap na Serbisyo Caravan sa Barangay Agaman Norte Baggao Cagayan noong ika- 8 ng Agosto 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao bilang bahagi ng programang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at pawiin ang mga ugat ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo.

Nakipagtulungan din sa naturang programa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at sektor ng lipunan, kabilang ang Kapulisan ng Baggao, 204th RMFB 2, 95th Infantry Battalion Charlie Company PA, BFP, Youth for Peace, Barangay Force Multipliers, mga health workers, at mga advocacy groups.
Ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga residente ay ang libreng medical at dental check-up, libreng tuli, libreng gupit, pamamahagi ng bigas, multivitamins at mga pangunahing gamot, na nagbigay ng malaking tulong sa mga pamilya ng barangay.
Sa kanilang aktibong partisipasyon, muling pinatunayan ng KKDAT na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi katuwang din sa kasalukuyang laban para sa kapayapaan at kaunlaran.
Source: Baggao Police Station