KKDAT, nakilahok sa isinagawang Symposium sa Tacloban City

0
viber_image_2025-08-11_14-16-42-105

Aktibong nilahukan ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang isinagawang Symposium na may temang “Guiding the Youth: Preventing Substance and Alcohol Abuse,” na ginanap sa Hotel De Fides, Tacloban City nito lamang Linggo ika-9 ng Agosto 2025.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng mga Barangay Official ng Brgy. 36-A, Tacloban City, kasama ang mga tauhan ng City Community Affairs and Development Unit sa pangangasiwa ni Police Colonel Noelito A Getigan, City Director na dinaluhan ng mga kabataan ng nasabing lungsod.

Tinalakay sa symposium ang RA 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at mga mahahalagang impormasyon tungkol sa mga panganib ng iligal na droga at ang mga epekto nito sa pisikal, mental at emosyonal na kalagayan ng isang tao.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa ng mga barangay Official, sa kanilang pagnanais na isulong ang kapakanan ng mga kabataan at matiyak ang kanilang proteksyon mula sa mga mapaminsala at iligal na gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *