Macabugos Fisherfolks Association, nagsagawa ng Meeting para sa mga proyektong pang-kaunlaran
Nagsagawa ng meeting ang mga kasapi ng Macabugos Fisherfolks Association na dinaluhan naman ng mga tauhan ng 1st APMFC R-PSB Team Macabugos sa pangunguna ni PMSg Carlo A Lana sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL JONATHAN S ALAYAN, Force Commander, nito lamang Agosto 10, 2025, sa Covered Court ng Barangay Macabugos, Libon, Albay.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni Kapitan Eddie Clemen.
Tinalakay sa pagpupulong ang ilang mahahalagang usapin gaya ng pagtukoy sa mga benepisyaryong tatanggap ng limang (5) sako ng lambat at ang iskedyul ng pamamahagi nito; pag-update sa koleksiyon ng membership fee mula sa mga bagong kasapi; at ang pangangailangang maisapanahon ang Certificate of Registration ng asosasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Layunin ng aktibidad na mas palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng pulisya, lokal na pamahalaan, at mga organisasyong nakabatay sa komunidad para sa pagpapaunlad ng kabuhayan, pangangalaga sa likas-yaman, at pagpapatatag ng samahan ng mga mangingisda.
Ipinapakita nito ang patuloy na pagtutok ng R-PSB Team sa pagbibigay-lakas sa mga sektor sa pamayanan sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pagtutulungan.
Source: R-PSB Macabugos and Albay Police Provincial Office