BPATs Training, pinangunahan ng PNP sa Bacacay, Albay

0
viber_image_2025-08-13_13-49-43-596

Matagumpay na naisagawa ng Bacacay Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni PMAJ Darwin S. Sevilla, Officer-in-Charge, ang isang makabuluhang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) Training sa Barangay Vinisitahan Pili-Ilawod nitong Agosto 11, 2025.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Barangay Council at mga Barangay Tanod bilang bahagi sa pinaigting na pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga mamamayan.

Tinalakay sa akibidad ang mga pangunahing paksa at kasanayang mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga kaso sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, mga tungkulin at responsibilidad ng BPATS, pangunahing pagsulat sa barangay blotter book, tamang pagresponde sa mga insidente, community Anti-Terrorism Awareness (CATA), pamamaraan ng paggamit ng posas (handcuffs) at teknik sa ligtas at tamang pag-aresto

Layunin ng pagsasanay na ito na bigyang kaalaman at kasanayan ang mga barangay tanod at opisyal upang mas maging epektibo silang katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Bukod dito, hinikayat din silang makibahagi at makiisa sa mga proyekto at adbokasiya ng Bacacay PNP bilang bahagi ng mas malawak na community-based policing approach.

Ang ganitong uri ng inisyatibo ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Bacacay PNP na mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at ng mga mamamayan. Sa pamamagitan nito, mas tumitibay ang ugnayan at tiwala ng komunidad sa mga tagapagpatupad ng batas isang mahalagang hakbang tungo sa isang mas ligtas at maayos na Bacacay.

Source: Bacacaymps Albayppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *