Medical at Relief Operations, isinagawa sa San Fernando City, La Union
Matapos ang matinding pananalasa ng Bagyong Emong, isang malawakang medical mission ang isinagawa sa Pagudpud Central School, City of San Fernando, La Union mula Agosto 8 hanggang 10, 2025. Sa tulong ng iba’t ibang pribadong organisasyon, higit sa 300 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, gamot at serbisyong pangkalusugan.
Bukod sa mga serbisyong medikal, isinagawa rin ang counseling, prayer support, at pagbabahagi ng mensahe ng pag-asa sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan. Layunin ng misyon na hindi lamang pagalingin ang katawan, kundi palakasin din ang loob at pananampalataya ng bawat isa.
Ang medical mission ay patunay na sa likod ng bawat unos, may mga taong handang tumugon at maglingkod. Ang siyudad ng San Fernando, La union ay patuloy na bumabangon, at sa mga ganitong inisyatibo, muling nabubuo ang tiwala, pag-asa, at lakas ng loob ng bawat mamamayan.

Lubos ang pasasalamat ng buong komunidad sa lahat ng pribadong organisasyon at indibidwal na naging daluyan ng tulong at pagmamalasakit.
Source: Happy to Serve