Information Awareness Symposium, isinakatuparan ng RPCADU 5 sa Tabaco City
Nanguna ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 (RPCADU5), sa pangunguna ni PSSg Mercolito P. Lovendino Jr., Public Information PNCO, sa isinagawang Information Awareness Symposium para sa mga mag-aaral ng Junior High School sa Mayor Integrated School, Barangay Buang, Tabaco City nitong ika-12 ng Agosto 2025.
Layunin ng aktibidad na mahasa ang kaalaman ng mga kabataan sa mahahalagang usapin tulad ng Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, Anti-Rape Law, End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), Violence Against Women and Children (VAWC), La Niña, at Crime Prevention, pati na rin ang E-Sumbong—isang digital platform para sa ligtas at madaling pagrereklamo laban sa krimen.

Bilang bahagi ng programa, namahagi rin ang RPCADU5 ng isang daan at limampung (150) IEC materials o mga info cards hinggil sa mga nabanggit na paksa upang higit pang mapalalim ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan.
Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad at sa pagpapalakas ng ugnayan nito sa komunidad, partikular na sa mga kabataang itinuturing na mahalagang katuwang sa pagbabago ng lipunan.
Source: PCADG Bicol Region