Drug Awareness Campaign, isinagawa sa Tanza, Cavite
Nakiisa ang mga mag-aaral ng Grade 12 ng Tanza National Comprehensive High School sa isinagawang dayalogo at pamamahagi ng flyers ng Tanza Municipal Police Station nitong Huwebes, ika-14 ng Agosto 2025 sa Brgy. Daang Amaya II, Tanza, Cavite.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng Tanza MPS sa pamumuno ni PLtCol Al-Rieza S. Kinang, Acting Chief kasama ang mga Grade 12 students ng nasabing paaralan.
Tinalakay sa mga estudyante ang masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at mga legal na pananagutang kaugnay nito. Ipinalabas din ang isang Audio-Visual Presentation (AVP) upang higit na maipaintindi sa mga kabataan ang realidad ng problemang kinahaharap ng lipunan tungkol sa droga.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng PNP na maghatid ng kaalaman sa mga kabataan upang maiwasan ang pagkalulong sa bisyo, at maisulong ang isang mapayapa, ligtas, at maayos na pamayanan.
Source: Tanza PNP