MBK-Life Coach, kasangga sa pagpapalakas ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN
Matagumpay na isinagawa ng MBK-Life Coaches ang paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN kasama ang mga tauhan ng Peñablanca Police Station para sa mga residente ng Brgy. Nanguilattan, Peñablanca, Cagayan noong ika-14 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Pastor Aladino Pelagio at Pastor Arnold Piedad, MBK-Life Coaches na nagsilbing inspirasyon at gabay sa espirituwal na aspeto ng programa. Sa pamamagitan ng kanilang mga mensahe at pagbabahagi ng karanasan, naiparating nila ang kahalagahan ng pananampalataya at tamang pagpapahalaga sa buhay bilang pundasyon ng mapayapang pamayanan.
Ang KASIMBAYANAN (KASIMBAhan, pamayanan, at pamBANSA) ay pangunahing inisyatiba ng Philippine National Police (PNP) na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pulisya, simbahan, at komunidad upang magkatuwang na lumikha ng mas ligtas, maayos, at disiplinadong lipunan.
Itinatampok ng tagumpay ng aktibidad na ang pag-unlad ng komunidad ay hindi lamang nakabatay sa pagpapatupad ng batas, kundi sa sama-samang pagpapalago ng pananampalataya at pagpapahalaga sa pamilya. Sa tulong ng MBK-Life Coaches, higit pang napalalim ang ugnayan ng pulisya at mamamayan, at naipakita na ang pagkakaisa at espirituwal na lakas ay susi sa isang mapayapang bayan.
Source: Peñablanca Police Station