Pagsasanay para sa mas matatag na Barangay Tanod, isinagawa sa Malay, Aklan
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa kakayahan at kahandaan ng mga Barangay Peace and Order Committee – Barangay Tanod (BPAT), isinagawa ang BPAT Capability Enhancement Training na pinangunahan nina PCpl Mamerto S Mendez Jr. at Pat Eric F Decon mula sa 3rd Maneuver Platoon, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ Dennis Laurence Y Bautista, Acting Force Commander, sa Brgy Napaan, Malay, Aklan, noong ika-14 ng Agosto 2025.
Ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa mahahalagang paksa gaya ng Role of First Responder, tamang pamamaraan ng Handcuffing and Arresting Techniques, batayang Self-Defense, at Arnis Defensive Tactics.
Layunin ng nasabing pagsasanay na bigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang mga BPAT upang maging mas epektibo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan, inaasahang magiging mas handa at may kumpiyansa ang ating mga Barangay Tanod sa pagtugon sa anumang insidente, habang pinapanatili ang mataas na antas ng disiplina at propesyonalismo.
Ang ganitong inisyatiba ay patunay ng kahalagahan ng malapit na ugnayan at kooperasyon ng kapulisan at komunidad para sa isang mas ligtas at maayos na pamayanan..
Source: 2nd Aklan PMFC FB Page