BPATs, nakiisa sa Capacity Building and Skill Enhancement sa Tumauini, Isabela
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at mga opisyal ng Barangay Maligaya, Tumauini, Isabela sa isinagawang Capacity Building and Skill Enhancement nito lamang ika-15 ng Agosto, 2025.
Pinangunahan ng Tumauini Police Station katuwang ang Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) at BFP-Tumauini ang nasabing aktibidad.
Tinalakay ni PMSg Emmalyn R. Muñoz, WCPD PNCO ng Tumauini Police Station, ang pagbibigay-kaalaman ukol sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) at RA 8353 (Anti-Rape Law). Sinundan naman ito ni PCpt Pedro Allam, Deputy Chief of Police, ang pagpapaliwag hinggil sa Warrantless Arrest na sinabayan ng aktuwal na demonstrasyon ng tamang paraan ng pag-aresto.

Bilang bahagi ng programa, ipinaalala rin ng kapulisan ang programa ni PGen. Nicolas D. Torre III hinggil sa 5 minutes response time ng PNP sa mga emergency calls gamit ang 911 hotline number.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga Mmiyembro ng BPATs at matulungan silang maging mas epektibong gampanan ang kanilang tungkulin bilang katuwang ng kapulisan at pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.
Source: Tumauini PS