BPATs ng Barangay Kaybagal South, bida sa Dayalogo Kontra Kriminalidad

0
viber_image_2025-08-18_16-55-30-625

Bida ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS) ng Brgy. Kaybagal South sa isinagawang dayalogo ng Tagaytay Component City Police Station nitong Sabado, Agosto 17, 2025. Pinangunahan ang aktibidad ng mga tauhan ng Tagaytay CCPS sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLtCol Jefferson P. Ison, Assistant Chief of Police, bilang bahagi ng kampanya ng PNP laban sa kriminalidad at maling paggamit ng emergency hotline 911.

Sa naturang talakayan, kinilala ng kapulisan ang mahalagang papel ng BPATs bilang unang responders at katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa barangay.

Binigyang-diin ang kanilang kontribusyon sa pagbabantay sa komunidad at sa pagtugon sa mga isyu na kinahaharap ng mga residente.
Bukod dito, ipinaliwanag din ang kahalagahan ng tamang paggamit ng 911 emergency hotline, at kung paano ito maaaring makatulong sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad sa mga tunay na emergency.

Lubos ang pasasalamat ng PNP sa aktibong partisipasyon ng BPATs, na patuloy na nagpapakita ng dedikasyon at malasakit sa kapwa. Nangako naman ang mga miyembro ng BPATS na ipagpapatuloy nila ang kanilang serbisyo bilang katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng ligtas at maayos na pamayanan.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mamamayan, na siyang pundasyon sa pagtataguyod ng isang Bagong Pilipinas na disiplinado, ligtas, at may malasakit.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *