Candon PNP at mga Advocacy Groups, nanguna sa Bayanihan para sa Kalusugan at Serbisyo

0
viber_image_2025-08-19_14-45-57-668

Aktibong nakiisa kahapon, ika-18 ng Agosto, 2025, ang mga tauhan ng Candon City Police Station sa pangunguna ng kanilang Hepe na si PLtCol Rodel C. Del Castillo sa pagdiriwang ng Nutrition Month ng Barangay San Nicolas, Candon City, Ilocos Sur.

Hindi lamang seguridad at kaayusan ang hatid ng kapulisan kundi serbisyo na may malasakit. Isa sa mga tampok na aktibidad ay ang “Libreng Gupit” para sa mga residente ng barangay. Bagama’t simpleng serbisyo ito sa paningin ng ilan, malaki ang epekto nito sa dignidad at kumpiyansa ng bawat tumanggap nito, lalo na sa mga kabataang mag-aaral at mga manggagawang nais maging presentable sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang tagumpay ng nasabing programa ay hindi lamang bunga ng inisyatiba ng kapulisan. Kaakibat ng aktibidad ang suporta ng mga Advocacy Groups, Brgy. Officials at mga Civilian Volunteers na walang pagod na nagtulungan upang maisakatuparan ang layunin ng programa.

Ang ganitong klaseng pagtutulungan ay sumasalamin sa mas malalim na kahulugan ng Bayanihan. Sa kabila ng kanilang kanya-kanyang tungkulin at responsibilidad, iisa ang layunin ng mga taong nasa likod ng aktibidad na ito: ang magsilbi sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Ang aktibong partisipasyon ng kapulisan sa mga Community-based Programs tulad nito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at ng mga mamamayan. Ipinapakita nito na ang mga pulis ay hindi lamang tagapagtanggol ng batas, kundi mga kaagapay rin sa pag-unlad at kalusugan ng komunidad.

Source: Candon City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *