Save Puerto Prinsesa Bay, naisakatuparan sa ika-16 na episode
Naisagawa ang ika-16 na episode ng Save Puerto Princesa Bay sa Liberty Quimzon, Brgy. Bagong Sikat, Puerto Princesa City nitong Agosto 17, 2025.
Naging panauhing pandangal si Palawan Bankers Association President Moises Arzaga, kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng naturang aktibidad upang mabawasan ang mga basura sa mga coastal area ng lungsod. Dagdag pa nito, ang ganitong uri ng aktibidad ay kabilang din sa kanilang Corporate Social Responsibility (CSR).
Nagpakita rin ng suporta si Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Acting City Director PCol. Cristine M. Tabdi. Sa kanyang mensahe sa mga lumahok, sinabi nitong ang mga ganitong inisyatibo ay isa ring paraan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.
Samantala, binigyang-diin din ni Mayor Lucilo Bayron na ang pagpapahalaga sa mga aktibidad na tulad nito ay layong mapanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan.
Source: Palawan Island Network