BPATs, aktibong nakilahok sa talakayan ng Peñablanca PNP sa Barangay Malibabag

0
viber_image_2025-08-20_15-42-59-038

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang dayalogo ng mga tauhan ng Peñablanca Police Station sa Barangay Malibabag, Peñablanca, Cagayan kaugnay ng Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling Law ngayong araw, ika-19 ng Agosto taong kasalukuyan.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni PCpl Raisy Seoad, MCAD PNCO ng Peñablanca Police Station, Cagayan Police Provincial Office.

Layunin ng talakayan na mapalawak ang kamalayan hinggil sa mga batas laban sa ilegal na sugal, maglatag ng mga preventive measures, at magsilbing paalala sa publiko upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng BPATs sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan, gayundin ang pakikipag-ugnayan at pagbibigay-impormasyon sa kapulisan upang agad matugunan ang anumang banta sa seguridad.

Ang nasabing dayalogo ay bahagi ng patuloy na programa ng Peñablanca Police Station upang palakasin ang ugnayan ng mga pulis at barangay para sa mas ligtas at mapayapang pamayanan.

Source: Peñablanca Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *