Mga estudyante ng Punta Elementary School, aktibong lumahok sa Drug Awareness Campaign ng Tanza MPS

0
viber_image_2025-08-20_12-20-24-093

Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station ang Drug Awareness Campaign para sa mga mag-aaral ng Grade 6 ng Punta Elementary School sa Brgy. Punta II, Tanza, Cavite nito lamang ika-18 ng Agosto 2025.

Aktibong nakilahok ang mga estudyante na kung saan malaya nilang naipahayag ang kanilang kaalaman at katanungan hinggil sa usapin ng droga. Bukod dito, tumanggap din sila ng mga flyers na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Layunin ng aktibidad na ipabatid sa mga kabataan ang masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa kalusugan, pamilya, at kinabukasan.

Patuloy naman ang Tanza PNP sa kampanya laban sa iligal na droga upang mapalakas ang kaalaman at kamalayan ng kabataan. Ang mga estudyante ay kabilang sa mga pinaka-vulnerable sa masamang impluwensya, kaya’t mahalaga ang maagang pagbibigay ng edukasyon ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *