3rd Quarter PMCC Meeting, isinagawa sa lalawigan ng Biliran
Matagumpay na naisagawa ang 3rd Quarter Provincial Management Coordinating Committee (PMCC) Meeting na dinaluhan ng iba’t ibang mga ahensya na ginanap sa Biliranon Multi-Purpose Hall, Camp Private Andres P. Dadizon, Naval, Biliran nito lamang Huwebes, ika-21 ng Agosto 2025.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Mr. Jesus P. Naquila, Provincial Director ng DILG Biliran at PMCC Chairperson, at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga tauhan ng Biliran Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Erwin I Portillo, Provincial Director.
Tinalakay ng committee ang mga update at tagumpay sa kapayapaan at kaayusan, kaligtasan ng publiko, pamamahala sa kulungan, at mga programa sa pamamahala para sa 2nd Quarter ng FY 2025, kasama ang kalendaryo ng mga aktibidad para sa 3rd Quarter.
Binigyang-diin sa pulong ang magkakatugmang pagsisikap ng pagpapatupad ng batas, kaligtasan ng publiko, at mga institusyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng epektibong mga programa at pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya tungo sa mas ligtas at mas matatag na lalawigan ng Biliran.