Advocacy Support Groups, nakiisa sa Awareness Lecture sa Abulug, Cagayan
Matagumpay na isinagawa ang Awareness Lecture kontra sa iligal na droga sa Barangay Sirit, Abulug Cagayan, nito lamang ika-21 Agosto 2025.
Nakiisa ang Abulug Municipal Police Station, kasama ang Sangguniang Kabataan, mga opisyal ng barangay, at mga lokal na kabataan.
Pinangunahan ni Pat Maricris C Escobar, Assistant MCAD PNCO, ang nasabing aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Angelo S. Pagulayan, COP ng Abulog Municipal Police Station.
Binigyang diin ni Pat Escobar ang masasamang epekto ng ilegal na droga at mga kaukulang kapaarusahan sa pag gamit nito.
Layunin ng aktibidad na ito na ipaalam at gabayan ang mga kabataan sa paggawa ng responsable at pagiwas sa iligal na droga.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinatutunayan ng PNP ang kanilang dedikasyon sa paghubog ng isang komunidad na mulat at aktibo sa paglaban sa ilegal na droga, tungo sa isang mas ligtas at maunlad na kinabukasan para sa mga kabataan ng Abulug.