Tree Planting Activity, pinangunahan ng ULPI at LGU ng Sudipen

0
viber_image_2025-08-22_15-25-33-148

Isang malawakang pagtatanim ang puno na pinangunahan ng Universal Leaf Philippines Inc. (ULPI), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Sudipen sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Opisina para sa Serbisyong Pang-Agrikultura, na ginanap noong Agosto 21, 2025 sa Barangay San Francisco Norte, Sudipen, La Union.

Sa ilalim ng temang “Rooted in Green, Driven by Sustainability”, masigasig na lumahok sa nasabing aktibidad ang mga empleyado ng LGU Sudipen sa pamumuno ni Mayor Weng, mga miyembro ng Barangay Council, Barangay Health Workers, at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pamumuno ni Punong Barangay Israel M. Sario. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa National Tobacco Administration (NTA) at Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO).

Layon ng proyektong ito na palakasin ang mga programang pangkapaligiran at mapanatili ang mas luntian at malinis na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.

Source : LGU Sudipen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *