3rd Motor Ride for a Cause: Pagkakaisa para sa 911 Awareness, pinangunahan ng Silay CCPS

0
viber_image_2025-08-25_13-37-05-746

Matagumpay na isinagawa ang ang ikatlong Motor Ride for a Cause: Ride for 911 Awareness, na sumasalamin sa pagkakakisa ng komunidad, kapulisan, LGU at private sectors na pinangunahan ng Silay City Component Police Station (CCPS) sa pangunguna ni PLTCOL MARK ANTHONY D.DARROCA, Chief of Police, nito lamang ika-24 ng Agosto, 2025 ganap na alas-7 ng umaga.

Nagsimula ang makabuluhang aktibidad mula sa Silay CCPS Grounds at nagtapos sa SORETA, Brgy. Patag, Silay City.

Higit pa sa simpleng motor ride, ipinakita sa kaganapang ito ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya, katuwang ang mga riders, organisasyon, at buong komunidad.

Ang kanilang pakikilahok ay patunay ng iisang mithiin, ang mas palakasin pa ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng Emergency Hotline 911.

Bilang bahagi ng adbokasiya, ipinamahagi ng kapulisan ang mga 911 stickers sa lahat ng lumahok na riders.

Layunin nitong mapalapit ang impormasyon at matiyak na mabilis na matatawagan ang nasabing emergency hotline sa oras ng pangangailangan.

Sa pamamagitan ng kolaborasyon ng kapulisan, lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mga mamamayan, higit pang naging makabuluhan ang programa—isang paalala na sa panahon ng sakuna o emergency, sama-samang aksyon at pagkakaisa ang susi sa kaligtasan ng lahat.

Sa pagtataguyod ng Ride for 911 Awareness, muling napatunayan na ang pagkakaisa ng bawat ahensya at suporta ng komunidad ang tunay na daan tungo sa isang mas ligtas at mas handang pamayanan.
Source: Silay City PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *