Bardakahan Clean-up Drive, isinagawa sa CDO

0
538149062_1953791185469210_3197828140283574200_n

Nagsagawa ng Barkadahan Clean-up Drive ang mga residente ng Yacapin Extension, Barangay 34, Cagayan de Oro City nito lamang ika-23 ng Agosto 2025.

Nilahukan ito ng ibat ibang advocacy support groups, Brgy. Health Workers, Brgy Officials, Brgy Tanod, at mga residente ng nasabing lugar, na nag resulta sa isang matagumpay na aktibidad.

Nagkaisa ang grupo sa paglibot sa buong lugar upang mangolekta ng iba’t ibang klase ng basura.

Tinatayang nasa 10 sako ng mga basura ang nakuha.

Layunin nitong hikayatin ang disiplina at malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga residente at makapagbigay ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *