Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon
Isinagawa ang clean-up drive ng advocacy support groups sa Brgy. Bangcud, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-13 ng Setyembre 2025.
Aktibo ring nakilahok ang mga residente, Brgy. Health Workers, BPATs, Local Government Units at brgy. official’s ng nasabing lugar.
Nagkaisa ang grupo sa pangongolekta ng mga basura na maaaring magdulot ng sakit.

Tinatayang nasa 10 sako ng mga basura ang nakuha.
Layunin nitong hikayatin ang mga residente lalong lalo na mga kabataan na magkaroon ng malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga residente at maipakita ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura.