Oryentasyon sa pagtatatag ng Administrative Unit para sa mga katutubong Tribu Ratagnin, isinagawa sa Magsaysay, Occidental Mindoro

Nagsagawa ng oryentasyon sa pagtatatag ng Administrative Unit para sa pamayanan ng katutubong Tribu Ratagnon ang pamahalaang lokal ng Magsaysay sa Sitio Kiko, Barangay Laste, Magsaysay noong Agosto 27, 2025.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Voltaire Valdez, IG Executive Assistant bilang bahagi ng patuloy na pagtutok at pagkalinga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, katuwang sina Bise Gobernadora Diana Apigo-Tayag at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan. Naging katuwang din sa aktibidad ang Magsaysay PNP sa pagpapanatili ng katahimikan sa naturang aktibidad.

Layunin nitong higit na mapalakas ang organisasyon at pamamahala ng ating mga kapatid na katutubo.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling pinagtitibay ng pamahalaan ang kanilang pagkilala sa karapatan at mahalagang ambag ng mga katutubo bilang kabahagi ng lipunan, gayundin ang pagpapaigting ng suporta at malasakit sa kanilang pangangailangan tungo sa isang mas organisado at maunlad na pamayanan.
Source: ICCAO Occidental Mindoro