Community Outreach Program, pinangunahan ng RMFB5 sa Tiwi, Albay

Noong Agosto 26, 2025, dakong alas-8:00 ng umaga, nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan mula sa Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5),sa pamumuno ni PLTCOL RODELON ABETITA, Officer-in-Charge, RPMFB5,sa pamamagitan ng programang Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB), sa pakikipagtulungan ng Tabaco City Lions Club, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, Local Government Units, at mga community stakeholders, na tinaguriang “SERBISITA – “Serbisyo asin Tabang”, sa Barangay Dapdap, Tiwi, Albay.

Ang isang araw na aktibidad ay isinagawa ng may pagkakaisa, pagkatuto, at serbisyo publiko, na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga makabuluhang aktibidad at serbisyo, kabilang ang, pagtatanim ng Puno, Zumba Dance, physical fitness activities at community bonding at Anti-Terrorism Lecture.

Tinalakay din ang R.A. 8353 (Anti-Rape Law) at R.A. 11313 (Safe Spaces Act). Habang nagsagawa naman ng Mobile Library, IEC Material Distribution, Libreng Optical Check-up, pagbabahagi ng mga pagkain at Libreng Gupit.

Ang outreach na ito ay sumasalamin sa pangako ng RMFB5 sa serbisyo publiko hindi lamang sa pagpapanatili ng seguridad, pati na rin sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa komunidad.

Source: Regional Mobile Force Battalion 5

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *