Medical Outreach, isinagawa sa Sarangani Province

Isinagawa ang isang medical outreach program noong Agosto 27, 2025 sa Sitio Lamlabong, Barangay Amsipit, Maasim, Sarangani Province.

Ito ay naghatid ng libreng serbisyong medikal at dental para sa mga kapatid na Indigenous People na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Maasim sa pamumuno ng muling nahalal na alkalde, Mayor Zyrex C. Pacquiao, katuwang ang PCM team at mga katuwang na sektor mula sa Sarangani Hydro Power Plant, Sarangani Energy Corporation, at Abbah King Cement.

Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa MDRRMO, MHO, at OMAG upang maghatid ng serbisyong tunay na nakapagpapagaan ng buhay ng mga residente.

Kasama sa mga ibinigay na tulong ang libreng konsultasyong medikal, dental checkup, at pamimigay ng gamot at bitamina.

Naghandog din ang Abbah King Cement ng mga school supplies na nagbigay ngiti at inspirasyon sa mga kabataan at kanilang pamilya.

Upang masiguro ang kaayusan at seguridad ng aktibidad, tumulong ang mga tauhan ng Maasim Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Herman J. Luna, Chief of Police, kasama ang 1204th Battalion ng RMFB 12.

Ang kanilang presensya ay naging garantiya na ligtas at maayos na naisagawa ang buong programa.

Ang naturang aktibidad ay hindi lamang nagdala ng serbisyong medikal kundi nagpatunay rin na ang pagkakaisa ng pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad ay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *