Kababaihan ng Tagaytay, pinalalakas ang Kakayahan laban sa pang-aabuso sa bata
Nakiisa ang mga kababaihan ng Brgy. Maitim 2nd East, Tagaytay City sa isinagawang Dialogue at Lecture handog ng Tagaytay Component City Police Station nito lamang Agosto 29, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Catherine Matutina, Women and Children Protection Desk (WCPD) Police Non-Commissioned Officer, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLTCOL Jefferson P. Ison, Assistant Chief of Police ng nasabing estasyon.
Tinalakay sa lecture ang mahahalagang kaalaman ukol sa pag-iwas sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga bata. Binigyang-linaw ang mga uri ng abuso pisikal, emosyonal, sekswal, at maging ang online abuse na laganap na rin sa panahon ngayon. Tinalakay rin ang mga palatandaan ng abuso, at kung paano maagapan o maipagbigay-alam sa mga kinauukulan.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga kababaihan sa programa, at ayon sa ilan sa mga dumalo, malaki ang naitulong ng aktibidad upang mas maging mulat sila sa kanilang responsibilidad bilang magulang at tagapangalaga ng mga bata.
Ang aktibidad na ito patatagin ang kakayahan ng mga kababaihan na protektahan ang kanilang mga anak mula sa karahasan at pang-aabuso. Kaakibat din ito ng adbokasiya ng pamahalaan sa ilalim ng kampanyang Bagong Pilipinas, isang lipunang may malasakit, pantay-pantay ang karapatan, at may ligtas na kinabukasan para sa lahat, anuman ang kasarian, katayuan sa buhay, o paniniwala.
Source: Tagaytay Component City Police Station