Fishery Law Forum, idinaos sa Bataan
Idinaos ang Fishery Law Forum sa may 200 mangingisda ng Limay sa Millennial Hall, Barangay Lamao, Limay, Bataan nito lamang Sabado, ika-13 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Colonel Marites A. Salvadora, Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office kasama si Provincial Fisheries Coordinator Mr. Richard San Diego.
Tinalakay sa forum ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 10654, partikular ang mga ipinagbabawal na gawain at kaukulang parusa na layong labanan ang illegal fishing.



Nagbigay rin si PCol Salvadora, ng update kaugnay sa peace and order situation ng Bataan at nanawagan sa mga mangingisda na makiisa sa kampanya ng pamahalaan kontra krimen at iligal na droga.
Itinuturing na isang mahalagang hakbang ang aktibidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga mangingisda, mapalakas ang ugnayan ng komunidad at kapulisan, at masiguro ang ligtas, maayos, at masaganang pamumuhay sa baybaying bahagi ng Limay, Bataan.