Aktibong Partisipasyon ng BPATs sa Dayalogo para sa seguridad ng barangay

0
viber_image_2025-09-17_16-10-22-693

Nagsagawa ng dayalogo ang mga tauhan ng Balaoan MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Jane Michael M. Algo, Officer-In-Charge, kasama ang mga duty barangay officials at BPATs upang mas paigtingin ang kooperasyon para sa katahimikan at kaayusan ng komunidad noong September 16, 2025.

Nanguna ang ating mga BPATs sa pagtalakay ng mga isyu sa seguridad. Tinalakay ang mga hakbang laban sa kriminalidad, regular na pagsasagawa ng neighborhood watch, mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours, at kahandaan sa mga sakuna.

Pinuri ni PMaj Algo ang aktibong partisipasyon ng BPATs at barangay officials na nagsisilbing pangunahing katuwang ng kapulisan sa pagbabantay at pagprotekta sa kanilang nasasakupan.

Source: Balaoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *