JRBGH, nagsagawa ng Symposium at Libreng Medical Services

0
550654863_2769151303273604_7746007296392261300_n

Nagsagawa ang JR Borja General Hospital (JRBGH) ng Symposium at Libreng Medical Services sa pagdiriwang ng Medical Technology Week 2025 na may temang “The Green Healthcare Revolution: Filipino Medical Technologists for a Sustainable Future” nito lamang September 16, 2025 sa Cagayan de Oro City.

Ang tagapagsalita sa naturang aktibidad ay si Ronnel S. Mabasa, Blood Bank Supervisor ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC), na tinalakay ang paksang “Blood Cold Chain.”

Dumalo rito ang mga estudyante ng Medical Technology mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod. Pinangunahan ng JRBGH Laboratory Department sa pamumuno ni Clarice C. Pavillan, RMT, ang aktibidad na nilahukan din ng mga kawani ng ospital.

Bukod sa symposium, nag-alok din ang JRBGH ng libreng serbisyong medikal tulad ng blood typing, random blood sugar (RBS), cholesterol, uric acid, at hemoglobin testing.

Layunin ng aktibidad na maipalaganap ang kahalagahan ng medikal na teknolohiya, maisulong ang sustainable healthcare, at makapagbigay ng libreng serbisyo para sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *