Pulis San Miguel, nagsagawa ng Awareness Lecture sa isang paaralan sa San Miguel, Catanduanes
Nagsagawa ng awareness lecture ang mga tauhan ng San Miguel MPS, sa pamumuno ni PCMS Cathylene R. Taule, WCPD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni PCPT RENEE R ALBAO, Officer In-Charge, para sa mga mag-aaral ng Grade 5 at 6 sa Katipunan Elementary School, Brgy. District Katipunan, San Miguel, Catanduanes, ngayong Setyembre 16, 2025.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga sumusunod na paksa, gaya na lamang ng mga panganib ng paggamit ng iligal na droga at Executive Order No. 70
Binigyang diin din ng mga kapulisan sa mga estudyante ang mga paraan upang makaiwas sa sekswal na pang aabuso at iba pang mga krimen.
Hinikayat din ng grupo ang kabataan na suportahan ang Kabataan Kontra Kriminalidad (KKK) advocacy at gamitin ang inilaan na hotline para sa real-time na pagrereport ng anumang insidente o krimen.
Source: Sanmiguel Mps Catanduanes Ppo