KSB Year 8, dinala sa Bongato West; daan-daang residente, nakinabang sa libreng serbisyo
Patuloy ang paghahatid ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) ng lokal na pamahalaan matapos idaos ang ika-8 taon ng programa sa Barangay Bongato West nitong Setyembre 18, 2025.
Daan-daang residente mula sa iba’t ibang sitio ang nakinabang sa mga libreng serbisyong medikal, dental, agrikultural, at iba pang tulong na hatid ng KSB.
Kabilang sa mga serbisyong inihandog ang libreng konsultasyon, pamamahagi ng gamot, dental services gaya ng bunot at oral health education, pamimigay ng binhi sa mga magsasaka, pagbabakuna at deworming para sa mga alagang hayop, pati na rin ang orientation ukol sa mga programa ng gobyerno gaya ng livelihood training at financial aid.

Nagpaabot din ng libreng goto ang Arangkada Nobenta (BNHS Class of 1990) para sa mga dumalo.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng munisipyo na ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga komunidad na nasa malalayong lugar ng bayan.
Source: Balon Bayambang