Community Outreach Program, isinagawa sa Camiling, Tarlac
Isinagawa ang community outreach program para mga kabataan at residente ng Barangay Sinilian, Camiling, Tarlac nito lamang Lunes ika-21 ng Setyembre 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Camiling Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ruben T Furigay, Acting Chief of Police, katuwang ang mga kasapi ng Camiling United Pastors Association Inc. (CUPAI) at Samahan ng Kababaihan ng nasabing lugar.
Kasabay nito, nagdaos ng worship activity ang Local Government Unit (LGU) ng Camiling sa pamumuno ni Hon. Joyce B. Agustin, Municipal Mayor.


Layunin ng naturang aktibidad na maghatid ng inspirasyon at tulong sa mamamayan, lalo na sa kabataan, upang higit silang mahubog sa positibong pananaw sa buhay at makaiwas sa anumang aktibidad na maaaring magdulot ng kaguluhan gaya ng mga mass gathering o demonstrasyon.
Binigyang-diin ng mga kasapi ng kapulisan at mga katuwang na organisasyon ang kahalagahan ng pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit sa kapwa bilang sandigan ng isang mapayapa at maunlad na pamayanan.
Ang pagtutulungan ng PNP, LGU, faith-based groups, at women’s organizations ay malinaw na patunay ng malasakit sa bayan at aktibong pakikilahok sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Camiling.