Iba’t ibang ahensya, kasama ng Bacoor Police sa community outreach program
Matagumpay na naisagawa ng Bacoor Component City Police Station, ang isang community outreach program sa Zapote Kalinisan, Brgy. Talaba 3 at Sitio Silangan, Brgy. Talaba 1, Bacoor City nito lamang ika-21 Setyembre 2025.
Katuwang ng kapulisan ang Strike Team Auxiliary Response Service (STARS) na aktibong nakibahagi sa iba’t ibang aktibidad tulad ng pakikipag-dayalogo sa mga resident, at pagbibigay kaalaman hinggil sa crime prevention at community safety.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng Feeding Program sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay Talaba 1 at Advocacy Support Groups upang mapalaganap ang tamang nutrisyon at kalusugan ng mga kabataan sa komunidad.
Ipinakita ng kooperasyon ng iba’t ibang ahensiya at ng kapulisan ang kahalagahan ng partnership policing, kung saan magkatuwang ang kapulisan at mga boluntaryo ng komunidad sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan, at katatagan.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Bacoor Police at Iba’t ibang ahensiya upang higit pang mapatatag ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan, at matiyak na ang kapayapaan at kaayusan ay sama-samang responsibilidad ng lahat.