Street Sweepers, nakilahok sa talakayan ng Bocaue PNP
Aktibong nakilahok ang mga street sweepers sa makabuluhang talakayan na isinagawa ng Bocaue Municipal Police Station sa Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan nito lamang Lunes, ika- 22 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ni PSSg Lene C. May-os, WCPD PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Virgilio D Ramirez, Acting Chief of Police, ang nasabing aktibidad na dinaluhan rin ng mga barangay staff at mga magulang.
Tinalakay sa naturang lecture ang mahahalagang probisyon ng Republic Acts 11313 (Safe Spaces Act), 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), 10627 (Anti-Bullying Act), 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act), 9262 (Anti-VAWC Act), at 8353 (Anti-Rape Law), gayundin ang salient features ng OSAEC/CSAEM (Online Sexual Abuse or Exploitation of Children/Child Sexual Abuse or Exploitation Materials).



Patuloy ang Bocaue PNP sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapataas ang kaalaman at kamalayan ng publiko upang mabawasan at tuluyang mapigilan ang mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan sa kanilang nasasakupan.