KKDAT, nakiisa sa Awareness Campaign sa Fatima NHS

0
551591075_1053285423384088_2153187785563032094_n

Nakiisa sa Awareness Campaign ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) na ginanap sa Fatima National High, School General Santos City nito lamang ika-22 ng Septyembre 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng General Santos City Police Station 7 at mga guro ng Fatima National High School.

Humigi’t kumulang 400 na mag-aaral mula sa Grade 7-8 ang dumalo sa nasabing Lecture ng Anti-Bullying.

Ang pagbibigay-kaalaman at pagtuturo ng tamang pag-uugali ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang kapayapaan sa pamayanan.

Layunin ng aktibidad na mapataas ang kamalayan ng kabataan at mga guro hinggil sa kahalagahan ng ligtas at magalang na kapaligiran sa loob at labas ng paaralan. Ito din ay isa sa mga hakbang upang labanan ang pang-aapi o bullying, ang mga probisyon ng Bawal Bastos Law na nagpoprotekta laban sa anumang uri ng pambabastos sa pampublikong lugar, at ang mga paraan upang mapigil ang karahasang nakabatay sa kasarian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *