Clergy for Moral at CNCI Women of Worth, naghatid ng pag-asa sa Kabataan ng Bahay Pag-Asa

0
viber_image_2025-09-26_16-23-14-119

Matagumpay na naisagawa ang KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) para sa mga kabataan ng Bahay Pag-Asa sa Barangay San Pablo, Cauayan City, noong Setyembre 25, 2025.

Nagsagawa rin ng feeding program ang CNCI Women of Worth (WOW) na pinamunuan ni Pastora Revy Manipon katuwang ang Cauayan City Component Police Station upang matulungan ang mga kabataan hindi lamang sa aspeto ng moral at espirituwal na paggabay kundi maging sa kanilang kalusugan at nutrisyon.

Layunin ng PNP at ng Clergy for Moral Advancement (CMA) na paigtingin ang holistic transformation at isulong ang pananagutang panlipunan sa pagitan ng kapulisan, simbahan, at komunidad.

Ipinakita ng pagtutulungan ng mga stakeholder na ito na ang kapulisan, relihiyosong sektor, at sibilyan ay maaaring magsama-sama tungo sa iisang layunin ang pagbibigay ng bagong pag-asa at direksyon sa kabataan at mas matatag na kinabukasan para sa buong pamayanan.

Source: Cauayan PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *