San Miguel MPS at Barangay 15, pinagtibay ang koordinasyon sa pamamagitan ng BPATs

0
viber_image_2025-09-26_14-35-04-466

Ipinamalas ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) ang kanilang matibay na dedikasyon sa community policing sa isinagawang dayalogo kasama ang mga opisyal at BPAT’S ng Barangay 15 nito lamang ika-24 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ni PMSg Rolando S Bermudo III, Police Community Affairs and Development (PCAD) PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Bryan C Alejo, Officer-In-Charge, tinalakay ang mahahalagang hakbang pangkapayapaan at ang mas pinaigting na papel ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).

Kabilang sa mga itinampok na usapin ang pagpapatupad ng mga inisyatiba laban sa kriminalidad, kampanya kontra iligal na droga, pagpapatibay ng curfew para sa mga menor de edad, at ang muling pagsusuri sa mga tungkulin ng barangay at BPATs sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.

Binigyang-diin ng grupo na ang BPATs, bilang frontliners sa grassroots level, ay may malaking papel sa pagpapaigting ng presensya sa komunidad, mabilis na pagtugon sa insidente, at mas malawak na partisipasyon sa crime prevention.

Nagpahayag din ng suporta ang Barangay Council sa operasyon ng BPATs at mga Barangay Tanod sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa gasolina at operational refreshments.

Ang hakbang na ito ay mahalaga upang matiyak na may sapat na logistical support ang BPATs para sa kanilang mga patrol at aktibidad na kaakibat ng pangangalaga sa kapayapaan at kaayusan.

Natapos ang aktibidad sa pamamagitan ng kasunduan na magsagawa ng regular na coordination meetings at joint night patrols ng PNP at BPATs.

Ang inisyatibang ito ay nakahanay sa Community and Service Oriented Policing (CSOP) framework ng PNP na naglalayong paigtingin ang partisipasyon ng barangay at mga mamamayan para sa mas ligtas at mas maayos na komunidad.

Sa kabuuan, ang pagtitipon ay nagsilbing konkretong hakbang sa pagpapatibay ng papel ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan, at nagbigay-daan sa isang mas matatag na alyansa tungo sa isang ligtas at maunlad na San Miguel.
Source: San Miguel MPS FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *