Coastal Clean-up Drive, isinagawa
Isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa Pandilusan Island, Payao, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-3 ng Oktubre, 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Hon. Joshua Carlo R. Mendoza, Municipal Mayor ng Payao katuwang ang Zamboanga Sibugay Provincial Police Office, sa pamumuno ni Police Colonel Barnard Danie V Dasugo, Provincial Director.
Ang nasabing programa ay inisyatiba ng Local Government Unit (LGU) ng Payao at nilahukan ng iba’t ibang sektor gaya ng Department of Education (DepEd), 102nd Brigade ng Philippine Army, 106th Infantry Battalion, Philippine Coast Guard (PCG), mga barangay captains, at iba pang miyembro ng komunidad.


Nagkaisa ang mga kalahok sa pagtitipon ng basura sa baybayin ng isla bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at pagkilala sa kahalagahan ng pangmatagalang pangangalaga sa kapaligiran.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalusugan ng lokal na marine ecosystem at maitaas ang kamalayan ng publiko laban sa masamang dulot ng polusyon.
Ayon kay PCol Dasugo, hindi lamang nakatuon ang PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi buong pusong sinusuportahan din nito ang mga programang pangkalikasan alinsunod sa isa sa mga pangunahing pagpapahalaga ng institusyon — “Maka-Kalikasan.”